^

Police Metro

Onsehan sa droga: Mister binoga habang tulog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang hindi nagising ang isang 22-an­yos na mister matapos pagbabarilin ng mga suspek na pumasok sa kanyang bahay habang mahimbing na natutulog, kahapon ng madaling araw sa Purok 6, Brgy. Pangdan, Naga City, Cebu.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Julius Cesar Alinganga.

Sa ulat dakong alas – 2:00 ng madaling araw ay bigla na lamang sumulpot sa lugar ang limang kala­lakihan at dalawa sa mga ito ay pumasok sa bahay ng biktima saka pinagbabaril ito habang natutulog.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek matapos maisagawa ang krimen patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Inamin ng pamilya ng biktima na isa itong drug pusher at pinaniniwalaang may kinalaman sa droga ang pagpatay dito.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with