^

Police Metro

Kalansay ng sundalo, dating pulis at lider ng tribo nahukay sa NPA mass grave

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang kalansay ng isang sundalo, dating pulis at lider ng isang tribo ang nahukay ng militar matapos na madiskubre ang isang mass grave ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Dogongan, Kitaotao, Bukidnon, kahapon ng umaga.

 Pinangunahan ng tropa ng Armys 1003rd Infantry Brigade (IB) sa ilalim ng superbisyon ng Army’s 10th Infantry Division at ng Scene of the Crime Operatives ng pulisya ang paghuhukay sa nasabing mass grave nang makatanggap ang impormasyon sa mass grave ng communist rebels sa masukal na bahagi ng magubat na Pantaron Range sa hangganan ng Bukidnon-Agusan del Sur-Davao del Norte .

Matapos ang paghuhukay ay nakuha ang mga kalansay nina Joel Rey Miqu Galendez , isang retiradong pulis; Dionisio Havana, Datu sa isang tribo ng mga katutubo sa San Franz , Agusan del Sur at Army Sgt. Renante Havana España.

 Sa report ng San Fernando Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Bukidnon ang tatlo ay kinidnap ng mga armadong NPA rebels noong Agosto 22, 2017.

vuukle comment

NEW PEOPLES ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with