^

Police Metro

Cavite shootout: 3 kidnaper utas

Joy Cantos - Pang-masa
Cavite shootout: 3 kidnaper utas
Sa ulat, bandang alas-2:48 ng madaling araw nang maghahain ng search warrant ang mga ope­ra­tiba ng PNP-AKG, Re­gional Intelli­gence­ Di­­vision (RID) ng CA­LABARZON Po­lice at Cavite Police sa safehouse ng grupo ni Pacia sa Brgy. Kayquit 1, Kayquit Road, Indang, Cavite ka­ugnay ng kasong pag­labag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban kay Pacia.

MANILA, Philippines — Napatay ang tat­long­ pinaghi­hinala­ang miyem­bro ng kid­­nap-for-ran­som ma­­karaang mauwi sa engkuwentro ang paghahain ng search warrant ng pinagsa­nib­­ na PNP-Anti-Kid­napping Group (PNP-AKG) at lokal na pulisya kahapon ng madaling araw sa Indang, Cavite.

Isa sa mga nasawing­ suspek ay nakilala sa pa­ngalan lamang nitong Vince alyas Pigsa, henchman ng Pacia kid­­napping for ransom (KFR) gang habang ina­­alam pa ang pagkaka­kilanlan ng da­lawa nitong kasama.

Nakatakas naman ang suspek na si dating P/SSergeant  Magdaleno­ Pacia Jr., lider ng Pacia KFR gang.

Sa ulat, bandang alas-2:48 ng madaling araw nang maghahain ng search warrant ang mga ope­ra­tiba ng PNP-AKG, Re­gional Intelli­gence­ Di­­vision (RID) ng CA­LABARZON Po­lice at  Cavite Police sa safehouse ng grupo ni Pacia sa Brgy. Kayquit 1, Kayquit Road, Indang, Cavite ka­ugnay ng kasong pag­labag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban kay Pacia.

Subalit, nanlaban umano ang mga suspek na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig kung saan sa palitan ng putok na tumagal ng ilang minuto ay napatay ang tatlong suspek.

Ayon naman kay Cavite Police Provincial Office (PPO) Director Police Colonel William Segun ang mga suspek ay matagal nang minamanmanan kaugnay ng pagkakasangkot sa serye ng kidnapping for ransom sa Pasay City na ang target ay mga Chinese national.

Narekober naman sa pinangyarihan ng shoot­out ang isang M16 rifle, isang Beretta 9 MM at isang cal .45 na baril, isang kulay pulang Suzuki Ertiga na walang plaka at conduction sticker.

Si Pacia, isang na­dismis na pulis ay nakatakas sa raid ng mga operatiba sa bahay nito sa Brgy. Pulang Lupa Uno sa Las Piñas City noong Hulyo 5 ng taong ito kung saan nakasamsam ng P1.3-M cash, sari-saring mga armas, bala at granada.

vuukle comment

PNP-ANTI-KID­NAPPING GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with