^

Police Metro

Bise alkalde todas sa pamamaril

Joy Cantos - Pang-masa
Bise alkalde todas sa pamamaril
Sa imbestigasyon, bago nangyari ang pamamaril ay nakahiga at nagpapahinga sa sofa sa kanyang bahay sa Santol Street, Calmar Homes Subdivision, Brgy. Kanlurang Ma­yao, Lucena City ang biktima nang pumasok ang suspek at agad na pinagbabaril sa ulo.
File

MANILA, Philippines — Isang bise alkalde ng bayan ng San Andres, Quezon ang nasawi nang ito ay malapitang pagbabarilin ng nag-iisang gun­man na pumasok sa compound ng bahay nito sa Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si San Andres Vice Mayor Sergio “Popoy” Emprese, 60.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang pamamaril ay nakahiga at nagpapahinga sa sofa sa kanyang bahay sa Santol Street, Calmar Homes Subdivision, Brgy. Kanlurang Ma­yao, Lucena City ang biktima nang pumasok ang suspek at agad na pinagbabaril sa ulo.

Napalabas ng kuwarto ang kapatid ng biktimang si Chuchi Francisco Emprese pero binantaan ito ng salarin ng “huwag lalapit habang nakaumang ang baril”.

Mabilis na tumakas ang suspek na nakasuot ng kulay pulang t-shirt, dalandan na short at na­ka-tsinelas lamang.

vuukle comment

PAGBABARILIN NG NAG-IISANG GUN­MAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with