^

Police Metro

Tatlong gusali ng eskwelahan, nasunog

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa isang iglap lang ay naging abo ang tatlong gusali ng isang mababang paaralan nang lamunin ng apoy sa naganap na sunog sa Barangay Kakidduguen, Kasibu, Nueva Viscaya, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-5:10 ng hapon nang masunog ang tatlong gusali ng Kakidduguen Elementary School sa Sitio Panuypoy habang nakaligtas ang opisina ng principal at classroom ng kindergarten na nasa hiwalay na gusali. Patuloy pang inaalam ang dahilan ng sunog at saan ito nagsimula.

Pansamantalang hindi muna papasok ang mga bata mula Lunes hanggang Miyerkules habang iniha­handa nila ang mga pansamantalang silid aralan tulad ng gym at hall ng barangay.

Ang Barangay Kakidduguen ay dalawang oras ang layo sa town proper ng Kasibu kung saan mahirap ang malubak na daan at wala rin umanong signal para sa anumang communication devices kung kaya’t hindi agad nakapagresponde ang mga kinauukulan.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with