^

Police Metro

3 tiklo sa P3-M langis ng marijuana

Victor Martin - Pang-masa
3 tiklo sa P3-M langis ng marijuana
Umabot sa 25 bote na naglalaman ng marijuana oil o langis mula sa marijuana ang nakumpiska ng mga otoridad sa mga suspek na nagkakahalaga umano ng P3-milyon.
AFP/Geoffroy Van der Hasselt

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang naaresto ng pulisya kabilang ang dalawang menor-de-dad na estud­yante sa isang drug ope­ration, kamakalawa sa Tinglayan, Kalinga.

Ang mga nahuling suspek ay kinilalang sina Rogelio Paut, 42, at dalawang high school na estudyante na itinago sa pangalan na “Cain” at “Abel” na pawang residente ng Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

Umabot sa 25 bote na naglalaman ng marijuana oil o langis mula sa marijuana ang nakumpiska ng mga otoridad sa mga suspek  na nagkakahalaga umano ng P3-milyon.

Bukod sa mga purong langis ng marijuana ay nakuha rin kay Paut ang isang cal. 45 na baril.

Nakatakda umanong ibenta sana ang mga nakumpiskang marijuana oil sa mga malalaking lungsod sa bansa.

Mula sa pinatuyong dahon ng marijuana na dati ay isinisilid sa mga karton ng sigarilyo ay pinaliit ito para maging marijuana bricks at sa ngayon ay ginagawa na itong langis para umano mas mabisa at mas mahal bukod sa hindi ito mada­ling mapansin.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with