^

Police Metro

Pinoy worker sa Hong Kong inaresto

Danilo Garcia - Pang-masa
Pinoy worker sa Hong Kong inaresto
Kasalukuyang nakaditine ngayon sa North Point Police Station si Jethro Pioquinto, isang empleyado ng Hong Kong Disneyland at humihingi ng tulong ngayon sa konsulada ng Pilipinas para makalabas.
AFP/Isaac Lawrence

Napagkamalang kasama sa nagpoprotesta...

MANILA, Philippines — Isang Pinoy worker sa Hong Kong ang inaresto ng mga otoridad matapos umanong mapagkamalan na kasama nang mapadaan ito sa isang protest area dahil nakasuot ng itim na t-shirt nitong nakaraang Sabado ng gabi.

Kasalukuyang nakaditine ngayon sa North Point Police Station si Jethro Pioquinto, isang empleyado ng Hong Kong Disneyland at humihingi ng tulong ngayon sa konsulada ng Pilipinas para makalabas.

Nabatid na napadaan si Pioquinto sa isang kalsada sa Mongkok sa Kowloon Peninsula at napasama sa isang grupo ng mga demonstrador na nagpo-protesta kontra sa pamahalaan ng Hong Kong dakong alas-11:00 ng gabi.

Nang magkahulihan, isa si Pioquinto sa dinampot ng mga pulis sa pag-aakalang kasama siya sa demonstrasyon.

Nabatid naman na inaasikaso na ng mga abogado ng Hong Kong Disneyland ang kaso ni Pioquinto upang agad siyang mapalabas sa kulungan.

Magugunita na sunud-sunod na malakihang protesta ang isinagawa sa mga kalsada ng Hong Kong dahil sa pagkontra sa panukalang “extradition law”.

vuukle comment

PROTEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with