^

Police Metro

2nd libel case vs Tulfo, isasampa ni Medialdea

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magsasampa ng ikalawang libel case si ­Executive Secretary Salvador Medialdea laban sa kolumnistang si Ramon Tulfo.

Ang kaso ay bunsod ng column ni Tulfo noong July 25, kung saan inakusahan ni Tulfo si Medialdea ng walang ginagawa sa apela ni Felicito Mejorado na makuha sana ang kanyang reward money mula sa gobyerno.

Si Mejorado umano ang nagbigay ng tip sa pamahalaan ukol sa sinasabing smuggling operation sa Mariveles, Bataan noong 1997.

Inakusahan ni Tulfo si Medialdea na humihingi ng pera para mailabas ang tip mula sa nagngangalang Vianney D. Garol.

Tahasang itinanggi ni Medialdea ang akusasyon at sinabing ang apela ni Mejorado ay hindi naipit sa Office of the President (OP) ng isang taon, bagkus tatlong buwan lamang.

Sinabi pa ni Medialdea, nakuha ng OP ang notice of appeal ni Mejorada noon lamang April 5, 2019.

Idinagdag pa ni Medialdea na ang OP ay kumilos na upang mapabilis ang aksyon sa hinaing ni Mejorado. Inabisuhan na rin ng OP ang Department of Finance, na nauna nang nag-deny ng request ni Mejorado, upang makuha ang record ng kaso.

“I will file the complaint next week,” ani Medialdea.

vuukle comment

SALVADOR MEDIALDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with