^

Police Metro

Batanes, isinailalim sa state of calamity

Victor Martin - Pang-masa
Batanes, isinailalim sa state of calamity
Ayon kay Batanes Go­vernor Marilou Cayco, ang deklarasyon ay batay sa ipinasang resolusyon ng Sangguniang Panlalawi­gan ng Batanes para sa agarang tulong sa mga na­ging biktima ng lindol lalo na ang mga residente ng Itbayat kung saan malubhang napinsala.

MANILA, Philippines — Tuluyang idineklara ang buong lalawigan ng Batanes na nasa state of calamity kasunod ng kambal na paglindol na kumitil sa buhay ng 9 na katao, ikinasugat ng 63 iba pa at pagkawasak ng maraming mga bahay at establisyimento.

Ayon kay Batanes Go­vernor Marilou Cayco, ang deklarasyon ay batay sa ipinasang resolusyon ng Sangguniang Panlalawi­gan ng Batanes para sa agarang tulong sa mga na­ging biktima ng lindol lalo na ang mga residente ng Itbayat kung saan malubhang napinsala.

Unang isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Itbayat dahil sa pagkasawi ng 9 na katao na ikinasugat ng maraming iba pa at pagkawasak ng kanilang mga tahanan.

Sa kasalukuyan ay na­nanatili pa rin sa mga tent sa open space ng Itbayat Plaza ang mahigit sa 2,000 na katao kung saan takot pa rin ang mga ito na bumalik sa kanilang tahanan dahil sa mga mag­kakasunod pa rin na pagyanig ng lindol.

Ayon kay Cayco, labis siyang nababahala sa mga residente ng Itbayat dahil sa lamig na nararanasan sa gabi at sobrang init naman sa araw.

Maging ang namumuong sama ng panahaon ay malaki umano ang epekto dahil sa mahihirapan ang pagdating at pagdala ng mga relief goods sa lalawigan kung walang eroplano na makakarating da­hil sa sama ng panahon.

vuukle comment

BATANES

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with