^

Police Metro

‘Bikoy’ sumuko sa cyber libel case

Joy Cantos - Pang-masa
�Bikoy� sumuko sa cyber libel case
Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, dakong alas-7:00 ng gabi nang sumurender si Bikoy bago pa man ito arestuhin ng pulisya na anumang oras ay muling makakalabas kapag naglagak na ito ng P10,000 piyansa.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Kaugnay sa panibagong kaso na cyber libel ay sumuko kamakalawa ng gabi si Peter Joemel Advincula, 30 alyas Bikoy, ang lalaking nakatalukbong sa “Ang Totoong Narcolist” video na nag-viral sa tanggapan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region Field Unit (PNP-CIDG-NCRFU) sa Camp Crame.

Nabatid na lumabas yun warrant of arrest sa kasong cyber libel na may kaugnay sa reklamo ng isang Mr. Co na umano ay nagmamantine ng drug laboratory sa Bicol.

Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, dakong alas-7:00 ng gabi nang sumurender si Bikoy bago pa man ito arestuhin ng pulisya na anumang oras ay muling makakalabas kapag naglagak na ito ng P10,000 piyansa.

Una nang sumuko sa PNP sa Camp Crame si Advincula,kaugnay ng kaso nitong syndicated estafa matapos ang midterm election noong Mayo.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP Chief Brig. Ge­neral Oscar Albayalde na wala naman silang nakikitang problema sakaling gawing state witness si Bikoy laban kina VP Leni Robredo at iba pa na ibinulgar nitong nasa likod ng Oplan Sodoma kung saan ang narcolist video ay bahagi lamang umano ng nasabing ikinakasang destabilisasyon laban sa administrasyon.

vuukle comment

CYBER LIBEL

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with