^

Police Metro

Call center agent, ni-rape ng rider

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinamantala ng isang 40-anyos na motorcycle rider ang kalasingan ng 27-anyos na call center agent na iniuwi sa bahay nito at doon niya ito hinalay naganap kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Ang suspek na inaresto ng pulisya ay kinilalang si Jay Castañeda, binata, delivery motorcycle rider at residente ng Unit 9, Cora Apartment, Ibaba St., Brgy, Bignay ng lungsod.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Carmie, dalaga ay  naki­pag-inuman siya sa suspek kasama ang ilang kakilala sa iMico’s Bar sa Brgy. Deparo at nang malasing, ay sumakay ito sa suspek sa motorsiklo at dinala sa kaniyang bahay dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Pagdating sa loob ng bahay doon umano siya ginahasa ng suspek kahit na labag sa kanyang kalooban. 

Matapos na makipagtalik, inihatid pa ng suspek ang babae sa loob ng natu­rang bar na agad namang nagsup­long sa Novaliches Police Station na siyang umaresto kay Castañeda.

Ipinasa ng Novaliches Police ang kustodiya sa suspek na nakaditine ngayon sa Valenzuela City Police Detention Center at nahaharap sa kasong rape.

vuukle comment

MOTORCYCLE RIDER

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with