^

Police Metro

Van nahulog sa bangin: 1 patay, 5 Chinese malubha

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang Pinoy na driver ng van habang limang pasahero nito na Chinese national ang malubhang nasugatan matapos mahulog ang minamanehong van sa Bokod, Benguet.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Jonathan Carnaje, driver ng van (AKA 6085) habang nasugatan naman ang mga turistang Chinese na sina Cheng Wei, 29; Yan Kaihua, 29,; Tao Wei, 28; Ji Zilin, 25 at Zhu Yazhou, 32.

Sa ulat, Sabado ng gabi nang mangyari ang insidente matapos mahulog ang SUV na sinasakyan ng mga biktima sa isang bangin na may lalim na 400 meters pagsapit sa bahagi ng Daclan sa nasabing bayan.

Galing ang mga biktima sa Mt. Pulag at patu­ngo na sana sa Baguio City nang biglang nawalan sa kontrol ng manibela ang driver na naging dahilan para bumulusok ang kanilang sinasakyan sa bangin.

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

JONATHAN CARNAJE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with