^

Police Metro

Babae na 5 araw na missing natagpuang patay sa septic tank

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa state of decomposition na ang katawan ng isang babae nang ito ay matagpuang patay sa loob ng isang septic tank sa  compound ng isang subdivision, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Puntod, Cagayan De Oro City.

Kinilala ang biktima ng kanyang kaanak na si Rachel Manahan, 32, kahera ng isang gasoline station.

Agad naman naaresto ang 42-anyos na suspek habang ito ay umaaligid sa lugar ng pinangyarihan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya na noong Lunes ng gabi ay nakita sa CCTV ang biktima na nagbibisekleta pauwi sa kanilang bahay nang ito ay harangin ng suspek at pagpapaluin.

Nang mawalan ng malay tao ay isinakay siya ng suspek sa bisekleta at dinala sa nasabing lugar.

Simula noon ay hinanap ang biktima ng kanyang mga kaanak hanggang sa ito ay matagpuan sa nasabing septic tank matapos na umali­ngasaw ang baho sa lugar.

Ang biktima ay nakitang may sugat sa ulo na pinaniniwalaang mga na­tamong hampas mula sa suspek.

vuukle comment

SEPTIC TANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with