^

Police Metro

‘Endo’ bill na-veto ni Duterte

Rudy Andal - Pang-masa
�Endo� bill na-veto ni Duterte
Ikinadismaya ng ilang labor groups ang hakbang na umano’y pagsira ni Duterte sa kaniyang pangako noong siya’y nangangampanya pa lang na wakasan ang endo.
File

MANILA, Philippines — Na-veto kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang security of tenure bill na layon sanang tanggalin ang sistemang endo o “labor-only” contracting.

Ikinadismaya ng ilang labor groups ang hakbang na umano’y pagsira ni Duterte sa kaniyang pangako noong siya’y nangangampanya pa lang na wakasan ang endo.

Kahapon, binanggit din ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na na-veto ni Duterte ang panukala pero kinalauna’y binawi rin ito dahil pag-aaralan pa rin ito aniya ng pangulo.

Sa opisyal na kopya ng veto message, sinabi ni Duterte na nais niyang balansehin ang interes ng mga manggagawa at employer kaya siya nag-veto sa panukala.

Ayon pa kay Duterte, dapat pa ring payagan ang lehitimong job contracting kung kaya naman nitong ibigay ang benepisyo ng mga manggagawa alinsunod sa batas.

“While labor-only contracting must be prohibited, legitimate job contracting should be allowed provided that the contractor is well-capitalized, has sufficient investments, and affords its employees all the benefits provided for under the labor laws,” ani Duterte sa kaniyang veto message.

Dapat din aniyang payagan ang mga negosyo na makapag-outsource ng ilang aktibidad lalo na kung makakatulong ito sa kanila.

Ayon pa kay Duterte, makakasira sa balanse ng employer at employee ang pagpapalawak ng panukala ng depinisyon ng labor-only contracting.

Malalagay raw sa ala­nganin ang posisyon ng kapital at pamunuan ng mga kompanya, at maaapektuhan nito kalaunan ang mga Pilipinong manggagawa.

Kung hindi inaksyunan ng Pangulo ang nasabing enrolled bill ay mag-lapsed into law ito ngayon (July 27), subalit malakas umano ang pag-lobby ng mga negosyante sa Malacañang upang huwag lagdaan ang nasabing panukalang batas na naglalayong tuldukan ang endo sa bansa.

vuukle comment

ENDO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with