^

Police Metro

Lider ng Hermosa robbery group nakatakas 3 holdaper patay sa shootout

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang holdaper na miyembro ng Hermosa robbery group ang napatay sa pakiki­pagbarilan sa mga pulis sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen Joselito Esquivel Jr. ang mga napatay na suspek na sina alyas Jeffrey, Nono at Bert, na umano’y pawang miyembro ng kilabot na Hermosa Robbery Group.

 Batay sa ulat ng QCPD, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang makasagupa ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ang mga suspek sa Biak na Bato St. sa Brgy. Sto. Domingo.

 Bago ang engkwentro ay nagsasagawa ng anti-criminality at surveillance operation ang mga awtoridad laban sa mga miyembro ng Hermosa robbery group nang makatanggap ng tip na may bibiktimahin na naman ang grupo sa naturang lugar.

 Maagap namang nagkasa ng operasyon ang mga pulis na nakapuna sa presensiya ng dalawang motorsiklo, na sinasakyan ng apat na suspek at tumutugma sa impormasyong ibinigay ng impormante.

Kaagad na humingi ng assistance sa iba pang kasamahan ang grupo at nilapitan ang mga motorcycle riding suspects. 

 Gayunman, bago pa man tuluyang nakalapit ang mga pulis ay nagbunot na umano ng baril ang mga suspek saka pinaputukan ang mga alagad ng batas.

 Napilitan namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong suspek, habang  nagawa ng isa pang suspek, na nakilalang si Nonoy Hermosa, lider ng grupo, na makatakas lulan ng isang motorsiklo.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga napatay na suspek ang tatlong kalibre .45 na pistola na may mga bala, dalawang piraso ng extra magazines na kargado rin ng bala, isang kulay orange na Honda Beat motorcycle na walang plaka at isang pakete ng shabu.

vuukle comment

HERMOSA ROBBERY GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with