^

Police Metro

3 ‘akyat-bahay’, napatay sa Quezon City

Joy Cantos - Pang-masa
3 �akyat-bahay�, napatay sa Quezon City
Sinisiyasat ng pulisya ang bangkay ng tatlong lalaki na umano ay miyembro ng ‘akyat bahay’ matapos na mapatay ng mga pulis matapos manlaban sa naganap na engkuwentro sa St. James Subdivision, Novaliches, Quezon City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Patay ang 3 lalaki na hinihinalang mi­yembro ng akyat-bahay gang sa engkuwentro laban sa mga pulis sa Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ng mga pulis ang isa na nasa pagitan ng 30 hanggang 35 anyos, 5’4” ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay asul na tshirt at maong na pantalon na may tattoo sa katawan.

Habang ang dalawa ay kapwa nasa pagitan ng 25 hanggang 30-anyos, katamtaman ang panga­ngatawan at kutis, nasa 5’0” hanggang 5’8” talampakan, may mga  tattoo sa katawan, nakasuot ng t-shirt at maong na pantalon.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi ay nakatanggap ng tawag ang Quezon City Police District (QCPD) Station 4, mula sa Emergency Hotline 911 hinggil sa presensya ng kahinahinalang mga armadong kalalakihan na umaaligid sa bisinidad ng Gozum St., Saint James Subdv., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches at nang respondehan ay wala na ang mga suspek.

Bandang alas-10:57 ng gabi nang muling makatanggap ng tawag at dito ay naabutan ang mga suspek at nang sitahin ay  agad nagpaputok ng baril ang mga ito na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng palitan ng putok ay magkakasunod na tumimbuwang ang mga suspect na pa­wang nasawi sa insidente.

Narekober naman sa crime scene ang tatlong cal. 38 revolvers, mga basyo ng bala ng nasabing baril, limang sachet ng shabu, back-pack na naglalaman ng duct tapes, cheezle, dalawang (2) screw drivers, plier, handcuff at bull cap.

vuukle comment

AKYAT BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with