^

Police Metro

2 pulis,1 pa timbog sa hulidap

Mer Layson - Pang-masa
2 pulis,1 pa timbog sa hulidap
Sa ulat ng Pasig City Police, ang tatlong sus­pek ay inaresto matapos na ireklamo ng ‘hulidap’ ng biktimang si Robert Tamondog Ignacio, 28, isang Globe installer.
File

MANILA, Philippines — Dinakip ang dalawang pulis at isa nilang asset ma­tapos ireklamo ng hulidap ng isang lalaki sa Brgy. San Miguel, Pasig City, kama­kalawa ng gabi.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina P/Cpl. Roy Duman-ag, 27, at Patrolman Arsenio Velardo, 29, kapwa nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasig City Police, at police asset na si Janus Francisco, 36, ng Barangay San Miguel.

Sa ulat ng Pasig City Police, ang tatlong sus­pek ay inaresto matapos na ireklamo ng ‘hulidap’ ng biktimang si Robert Tamondog Ignacio, 28, isang Globe installer.

Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-9:30 ng gabi sa Tambakan 2 M. Eusebio Avenue, Brgy. San Miguel ay sinita ng tatlong suspek ang biktima dahil sa kasong paglabag umano sa droga.

Tinutukan ang biktima ng baril ng mga suspek at sinabihang huwag tumakbo dahil isang adik, sabay kapkap sa bulsa at kinuha ang ang P850 cash money at silver na singsing bago pinakawalan.

Isinumbong ng biktima sa kanyang mga kaanak sa mga opisyal ng Barangay San Miguel na nagreport Police Community Precinct 5 (PCP-5) ng Pasig City Police na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang isang pirasong silver na singsing, dala­wang kalibre .9mm pistola na kargado ng 48 live ammunitions at isang Swiss knife.

vuukle comment

ROY DUMAN AG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with