^

Police Metro

Mister binaril habang nagti-text sa harap ng mall

Mer Layson - Pang-masa
Mister binaril habang nagti-text sa harap ng mall
Sa ulat ng Angono Municipal Police Station, dakong alas-7:55 ng gabi ay nakatayo ang biktima at nagti-text sa harapan ng isang kilalang mall sa Manila East Road, Barangay San Isidro nang lapitan ng isang lalaki at walang kaabug-abog na binaril ng dalawang beses sa katawan.
File

MANILA, Philippines — Isang 29-anyos na mister ang nasawi nang ito ay malapitang barilin ng isang lalaki habang nagti-text sa harap ng isang mall, kamakalawa ng gabi sa Angono, Rizal.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Roy Virtudazo Magallano, may asawa, habang nakatakas naman ang suspek sa krimen.

Sa ulat ng Angono Municipal Police Station, dakong alas-7:55 ng gabi ay nakatayo ang biktima at nagti-text sa harapan ng isang kilalang mall sa Manila East Road, Barangay San Isidro nang lapitan ng isang lalaki at walang kaabug-abog na binaril ng dalawang beses sa katawan.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakbo patawid sa highway ang suspek kung saan niya ipinarada ang kanyang motorsiklo saka tumakas.

Inaalam ng mga otoridad ang motibo at pagkaka­kilanlan sa suspek.

vuukle comment

ROY VIRTUDAZO MAGALLANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with