^

Police Metro

3 dakma sa P2.6 milyong droga

Mer Layson, Gary Bernardo, Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Arestado ang tatlong katao matapos masakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng nasa P2.6-milyong halaga ng droga sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga, kamakalawa at kahapon ng madaling araw.

Sa kulungan ang bagsak nina Paolo Licud, 21, ng Brgy. San Juan, Balagtas, at Mark John Paul Bateni, 18, ng Brgy. Tabe, Guiguinto, kapwa sa lalawigan ng Bulacan makaraang makumpiskahan ng limang pirasong sealed marijuana bricks na tinatayang may 5.5 kilo ang timbang at nagkakahalaga ng P1.1 milyon sa ikinasang buy-bust operasyon sa bayan ng Balagtas, sa naturang lalawigan dakong alas-12:10 kahapon ng mada­ling araw.

Biyernes ng gabi, sa Bacolor, Pampanga, ­inaresto naman ng mga pulis ang 39-anyos na jeepney driver na si Michael Cunanan Alias “Mike”, residente ng San Miguel City, sa San Fernando, matapos masamsaman ng anim na plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa P1.5-mil­yon ang halaga.  Nakuha rin mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver, isang Mitsubishi Montere, drug pharaphernalias, at marked money na ginamit sa operasyon.Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with