^

Police Metro

Kagawad sa watchlist tiklo sa buy-bust

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang isang 43-anyos na kagawad ng barangay matapos maaresto sa pagbebenta ng shabu sa inilatag na buy-bust operation laban sa kanya sa Brgy. Balogo, Sorsogon City, Sorsogon noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Arthur Larosa Potian Sr., kagawad at residente ng nasabing barangay na itinuturing din ng Sorsogon Police na nasa number 6 sa drug watchlist ng lalawigan.

Sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi makaraang isalang nang ilang araw na surveillance operation ang ilegal na operasyon ng konsehal ay agad inilatag ang buy-bust laban sa kanya ng Regional at Provincial Intelligence Unit at Sorsogon City Police.

Nang i-abot ng konsehal sa pulis na umaktong posuer buyer ang biniling droga ay agad dinakma ang suspek.

Nakuha mula sa suspek ang siyam na sachet ng shabu, drug paraphernalia at motorsiklong gamit nito sa ilegal na transaksyon.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with