^

Police Metro

UNHRC huwag papasukin sa Pinas

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maaaring hindi papasukin ng pamahalaan ang mga taga-United Nations Human Rights Council (UNHRC) na posibleng magtungo sa bansa upang imbestigahan ang mga namatay sa gitna ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Senator Richard Gordon, kahit siya ay hindi pabor na mag-imbestiga sa Pilipinas ang UNHRC dahil lumalabas na kinakaya-kaya lamang nito ang mga malilit na bansa.

Ipinunto ni Gordon na may karapatan ang gobyerno na hindi papasukin sa bansa ang sinuman katulad ng ginawa ng Hong Kong kay dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.

“P’wede (na hindi papasukin), it is the right of any country. Tignan mo si Del Rosario hindi pinapasok sa Hong Kong,” ani Gordon.

Ipinunto pa ni Gordon na hindi nag-iimbestiga ang UNHRC sa malala­king bansa na may napapaulat din ng paglabag sa karapatang pantao katulad ng China, Hong Kong at Amerika.       

May ginagawa rin aniya ang gobyerno sa kaso ng mga pagpatay dahil naghe-hearing sa Senado at nag-imbestiga ang Commission on Human Rights.

vuukle comment

UNHRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with