^

Police Metro

51 katao sugatan… Surigao nilindol ng 5.8 magnitude

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binalot ng takot ang mga residente ng Surigao del Sur at mga kalapit na lugar matapos tumama kahapon ng madaling araw ang magnitude 5.8 na lindol na ikinasugat ng 51 katao at ikinasira ng ilang tahanan at mga establisi­myento sa lugar.

Ayon sa Philippine ­Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-4:42 ng madaling araw nang tumama ang tectonic na pagyanig, may limang kilometro sa timog-silangan ng bayan ng Carrascal, habang ang epicenter nito ay naitala sa northwest ng bayan ng Cortes.

Naramdaman ang pag­yanig sa Carrascal, Butuan City, ilang bahagi ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, at Camiguin.

Sa Carmen, Surigao del Sur, bumagsak ang bubu­ngan ng isang palengke, habang nagbagsakan ang bubong na yero ng St. Vincent Ferrer Parish.

Sa Madrid, ilang residente ang napilitang magtakbuhan palabas ng kanilang tahanan, matapos na magkaroon ng mga pinsala ang kanilang mga tahanan.

Hindi rin naman nakaligtas ang mga tahanan sa apat pang kalapit na bayan at napinsala rin maging ang presinto, isang hotel, isang gym, tulay, at maging ang civil defense office sa rehiyon.

Sinabi naman ng Phivolcs na inaasahan na nilang makapagtatala ng mga aftershocks matapos ang lindol, kaya’t pinayuhan ang mga residente na ma­ging maingat at alerto.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with