Meralco may bawas-singil ngayong Hulyo
July 9, 2019 | 12:00am
MANILA, Philippines — Magkakaroon ng bawas sa singil ng kuryente ang Meralco ngayong Hulyo.
Nasa P0.11 kada kilowatt hour (kWh) ang ibabawas ng Meralco sa July bill bunsod ng iniutos na refund (regulatory reset cost) at pagbaba ng transmission charge ng kuryente galing sa mga supplier.
Katumbas ito ng P21 na bawas para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh, P32 sa 300 kWh, P43 sa 400 kWh, at P53 sa 500 kWh.
Ito na ang ikatlong buwan na bumaba ang overall rate ng Meralco.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended