^

Police Metro

Mga opisyal ng KAPA pormal nang kinasuhan

Ludy Bermudo - Pang-masa
Mga opisyal ng KAPA pormal nang kinasuhan
Ipinagharap ng tatlong investors ng reklamong 5 counts ng paglabag sa Securities and Regulations Code at 8 counts ng syndicated estafa ang dating radio announcer at tumata­yong founder ng Kapa na si Joel A. Apolinario, at mga incorporator na sina Nonita S. Urbano, Junnie G. Apolinario, Nelia V. Nino, Maria Pella B. Sevilla, Jaquelyn A. Del Castillo, Cristobal R. Barabad, at Joji A. Jusay.
Joy Torrejos

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang kauna-unahang kasong kriminal laban sa Kapa Community Ministry International Inc. (Kapa).

Ipinagharap ng tatlong investors ng reklamong 5 counts ng paglabag sa Securities and Regulations Code at 8 counts ng syndicated estafa ang dating radio announcer at tumata­yong founder ng Kapa na si Joel A. Apolinario, at mga incorporator na sina Nonita S. Urbano, Junnie G. Apolinario, Nelia V. Nino, Maria Pella B. Sevilla, Jaquelyn A. Del Castillo, Cristobal R. Barabad, at Joji A. Jusay.

Kabilang din sa nadidiin sa nasabing reklamo sina corporate secretary Reyna L. Apolinario; ang director at treasurer na si Modie S. Dagala; ang mga corporate directors na sina Benigno D. Tipan Jr., Marnilyn M. Maturan, Ricky A. Taer, at Margie A. Danao at ilan pang “John Does”.

Nabatid sa NBI na napilitang magreklamo ang isang babaeng senior citizen mula sa Dinagat Islands, na nailagay niya ang kaniyang nakuhang retirement pay na nasa P500,000 at ang kanilang anak naman ay nakapag-invest din ng P45,000 habang ang ikatlong complainant at noon lamang Hunyo 3, 2019 nakapag-invest ng P30,000, subalit natuklasan kamakailan na nagsara na ang tanggapan ng Kapa kung saan siya nakipagtransaksiyon.

Natuklasan din sa isinagawang surveillance ng NBI na patuloy pa umano ang Kapa Taytay Office at Quezon City sa pakiki­pagtransaksiyon sa publiko sa kabila ng kautusan ng Securities and Exchanges Commission (SEC) noong Abril 3, 2019 na nag-revoke o nagkansela sa certificate of registration ng Kapa.

Lumabas din noong Mayo 16, 2019 ang sertipikasyon ng SEC Market and Securities Regulation Department (MSRD) na nagpatibay na hindi na rehistrado at walang permit.

vuukle comment

KAPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with