^

Police Metro

Higit 200 kilo ng botchang baboy, manok nakumpiska sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit 200 kilo ng karne ng baboy at manok ang nasabat ng Veterinary Inspection Board (VIB) ng Maynila, kahapon ng madaling araw sa Ilaya, Recto.

Ayon kay Nick Santos, hepe ng VIB, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang makumpiska  nila ang mga botchang baboy na nasa 117.38 kilo at manok na nasa 149.3 kilo nakatago sa ilalim ng mesa.

Walang certificate mula sa meat inspectors ang mga nakuhang botcha na hindi na rin maaaring ipakain sa mga hayop dahil puro na ito amag.

Napatakip ng ilong si Mayor Isko Moreno nang buklatin ang mga karne dahil sa masangsang na amoy nito.

Ayon sa kaniya, pa­ngalawa na ito sa mga nakumpiska nilang botchang karne ngayong buwan.

Kasama ring nakum­piska ang mga tila foil na kulay pula na gamit daw para mag mukhang sariwa ang karne pag ibinebenta sa palengke.

Malaki man ang pagkakaiba sa presyo nito sa mga sariwang baboy, masama ito para sa kalusugan. Galing umano ito sa mga cold storage ng karne na nakakalusot sa inspeksyon at madalas binibili ng mga ka­rinderya.

Presyo ng sariwang baboy:P180-185 

Presyo ng botchang baboy: P115.

vuukle comment

BOTCHANG BABOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with