^

Police Metro

Mga tindahan sa tabi ng Manila City Hall babaklasin na

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hanggang Miyerkules (Hulyo 10) na lang mananatili ang mga stalls at vendors sa likod ng Bonifacio Shrine na nasa tabi ng Manila City Hall at Universidad De Manila matapos na ito ay ipag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno na baklasin na nagsilbing ‘eyesore’ at binaboy sa loob ng anim na taon.

Kung hindi kusang magbabaklas at lilisanin ang nasabing lugar ay sapilitang gigibain ang mga nakatayong istruktura na bukod sa magulo at pangit na view ay napa­karumi at mabaho dahil sa ginagawang palikuran at tambakan ng mga basura.

Ayon kay City Engineer Armand Andres na sa Huwebes ang nakatakdang demolisyon sa mga hindi tutugon sa kautusan na bakantehin ng mga negosyante ang nasabing lugar.

Mahaharap pa sa reklamong obstruction ang mga susuway sa kautusan dahil sapat na ang palugit na ibinigay sa kanila matapos mapaso ang permits ng mga stall owner noon pang Hunyo 30.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with