^

Police Metro

Injectable skin whitening may panganib-FDA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — May dala umanong panganib sa kalusugan ng tao ang paggamit ng injectable skin whi­tening na kalat na sa merkado dahil ito ay walang lisensiya mula sa
Food and Drugs Autho­rity (FDA).

Ayon sa FDA na may “toxic side effects” ang paggamit ng naturang mga produkto sa atay, kidney, at maging sa “nervous system” ng tao at maaari ring magkaroon ng “Stevens-Johnson Syndrome”, isang seryos­yong kondisyon sa balat ang magpaturok nito.

Nakakabahala umano na maraming mga negosyante ang nag-aalok ng “intravenous drip o infusion” na may sangkap ng glutathione, vitamin C at iba pang kemikal na pampaputi umano.
Iginiit ng ahensya na wala pang nalathala na “clinical trials” na nagbeberepika sa pagi­ging epektibo at ligtas sa kalusugan ng mga natu­rang gamot at wala ring pamantayan sa rami ng tamang “dosage” nito.

Kaya’t ang panawagan ang FDA sa publiko na komunsulta lamang sa mga dermatologists na sertipikado nila ukol sa kondisyon ng kanilang mga balat.

vuukle comment

FOOD AND DRUGS AUTHO­RITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with