^

Police Metro

Bebot tigok sa onsehan sa droga

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang dahilan upang patayin ang isang 40-anyos na babae matapos pagbabarilin nang malapitan ng dalawang sinasabing ‘tulak’ ng shabu sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Amy Ignacio, walang asawa, vendor at residente ng Building 22,  Aroma Temporary Housing, Tondo.

Nakatakas naman ang sinasabing mga responsable sa pamamaril na kinilalang sina Edmar Boco, alyas “Abigael”, 19-anyos, at isang alyas “Aries” ng nasabi ring lugar.

Sa ulat, dakong alas 9:50 ng gabi nang makitang nag-uusap ang biktima at mga suspek sa naturang lugar.

Sa salaysay ng mga kamag-anak ng biktima, nagpaputok umano ng baril sa ere si Aries habang kausap ang biktima na nagsalitang “Bakit ganoon Aries, nagpaputok ka alam mo naman na hindi na ako naggaganyan nagbago na ako…”.

Kasunod nito ang pagbunot ng baril ni Boco at malapitang pinatukan sa kaliwang sentido ang biktima.

Bago tuluyang tumakas ang dalawa ay pinaputukan pa muli ni Aries ang biktima na hindi naman tumama.

Nakuha sa bulsa ng biktima ang anim na sachet ng shabu.

vuukle comment

PATAY

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with