^

Police Metro

2 ‘tulak’ tiklo sa P6.8 milyong shabu

Cristina Timbang - Pang-masa
2 �tulak� tiklo sa P6.8 milyong shabu
Himas-rehas na ngayon ang mga suspek na sina Ato Kasim, 30-anyos, residente ng Lower Bicutan, Taguig City at si Jubaire Kitab Mohammad 21, tricycle driver, at residente ng Samata Village Brgy. Talon 5, Las Piñas City.
File

MANILA, Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng dalawang sinasabing bigtime pusher ng droga matapos masakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng nasa P6.8-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang kilalang mall sa Brgy. Molino 4, sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa ng gabi.

Himas-rehas na ngayon ang mga suspek na sina Ato Kasim, 30-anyos, residente ng Lower Bicutan, Taguig City at si Jubaire Kitab Mohammad 21, tricycle driver, at residente ng Samata Village Brgy. Talon 5, Las Piñas City.

Sa ulat ng Bacoor Police, dakong alas-6:15 ng gabi nang ikasa ang operasyon sa ikalawang palapag ng parking lot ng mall kung saan dito ang napagkasunduang lugar ng transaksyon sa pagitan ng pulis na tumayong buyer at ng mga suspek.

Nang magpositibo sa kalagitnaan ng transaksyon ay agad ng inaresto ng mga nakaabang na pulis ang mga suspek kung saan nakuhanan ang mga ito ng shabu na aabot sa halos 1 kilo na may street value na P6.8-milyon.

Nakuha rin sa mga ito ang bundles ng boodle money, drug money, dalawang cellular phone, isang Mitsubishi Lancer at isang Ford Everest.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with