^

Police Metro

Trader tsinap-chop Isinilid sa dalawang sako…

Jorge Hallare - Pang-masa
Trader tsinap-chop Isinilid sa dalawang sako�
Ang biktima na kinilala ng kanyang mga kasamahan na una nang ini-report sa pulisya na nawawala ay si Socimo Parinas Arciaga, mami-mili ng kambing na mula pa sa bayan ng Echague, Isabela.
File

MANILA, Philippines — Nagmistulang kinar-neng hayop ang isang 51-anyos na negosyante na mula sa bayan ng Echa­gue, Isabela matapos matagpuang pinagpira-piraso ang katawan nito na isinilid sa dalawang sako saka itinapon sa mag­kahiwalay ng baran­gay sa bayan ng Libma-nan, Camarines Sur no- ong Biyernes ng hapon.

Ang biktima na kinilala ng kanyang mga kasamahan na una nang ini-report sa pulisya na nawawala ay si Socimo Parinas Arciaga, mami-mili ng kambing na mula pa sa bayan ng Echague, Isabela.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon nang magkasunod na matagpuan ang dalawang sako na kinalalagyan ng pira-pirasong katawan ng biktima.

Unang nakita ng mga residente ng Brgy. Potot ang isang sako na palutang-lutang sa ilog at nang tignan ay bumungad sa kanila ang tsinap-chop na katawan ng tao na mula sa bahagi ng tiyan pababa sa paa.

Sa kabilang bara-ngay naman ng Puro-Batia, isa namang sako ang natagpuan na may laman ng putol-putol na bahagi rin ng katawan na mula tiyan pataas sa ulo.

Nang ilatag ng mga otoridad ang mga pira-pirasong katawan ng biktima ay dito na nakita na mula sa iisang tao ang mga bahagi ng katawan na kalauna’y kinilala ng mga kasamahan ni Arciaga.

Nabatid na dumayo ang biktima kasama ang kanyang mga tauhan sa bayan ng Libmanan upang mamili ng nasa 40 kambing kung saan nakawala umano ang lima rito at nang habulin ng biktima ay hindi na ito nakabalik kaya nagtaka ang kanyang mga kasamahan at naisipang iulat na sa mga pulis.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang krimen.

vuukle comment

CHOP CHOP

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with