^

Police Metro

Nueva Ecija drug bust: 3 todas

Christian Ryan Sta. Ana, Raymund Catindig - Pang-masa
Nueva Ecija drug bust: 3 todas
Ang tatlong napatay ay kinilalang sina Dennis San Gabriel Sr., 43, ng Brgy. Talipapa, Cabana­tuan City; Ernesto Estevez, ng Brgy. Mabini Extension, Cabanatuan City; at isang alyas “Buboy”, nasa hustong edad ng Quezon City.
File

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na hinihinalang drug suspect ang napatay nang manlaban umano ang mga ito sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa lalawigan ng Nueva Ecija, kamakalawa.

Ang tatlong napatay ay kinilalang sina Dennis San Gabriel Sr., 43, ng Brgy. Talipapa, Cabana­tuan City; Ernesto Estevez, ng Brgy. Mabini Extension, Cabanatuan City; at isang alyas “Buboy”, nasa hustong edad ng Quezon City.

Bandang alas-4:50 ng madaling-araw nang manlaban at mapatay si San Gabriel Sr., nang matunugan na pulis ang poseur buyer na kanyang ka-deal sa Purok 5 ng Barangay Talipapa.

Nakuha sa kanya ang 11-piraso ng plastic sachet ng umano’y shabu; 1 cal .45 pistol; at isang P500 bill buy-bust money.

Sa Brgy. Rio Chico, dakong alas-4:30 ng hapon noog Martes nang manlaban si Estevez nang aarestuhin na sa buy-bust operation at narekober sa kanya ang P1,000 bill buy-bust money, isang calibre 38 revolver, at 1 plastic sachet ng umano’y shabu.

Napatay naman bandang alas-8:50 ng gabi si alyas Buboy nang mag- sagawa ng buy-bust sa Rufina Homes 2, Zone 4, sa Barangay Malasin, habang nasugatan ang isa nitong kasama.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with