^

Police Metro

Paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar, bawal na

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar, bawal na
Ayon kay DOH spokesman Eric Domi­ngo, ang kautusan ay magiging epektibo matapos itong mailathala sa dalawang pahayagan.
Wikimedia Commons/Lindsay Fox

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal na ng Department of Health (DOH) ang paghithit ng electronic cigarette at vape sa mga pampublikong lugar.

Ito ay base sa Admi­nis­trative Order 2019-0007 na pinirmahan ni Health Secretary Francisco Duque III noong Hun­yo 14 na kabilang na sa public smoking ban ang mga Electronic Nicotine and Non-Nicotine Deli-very System (ENDS). 

Ayon kay DOH spokesman Eric Domi­ngo, ang kautusan ay magiging epektibo matapos itong mailathala sa dalawang pahayagan.

Ang paninigarilyo ng vape at e-cigarettes ay pinapayagan lang sa mga designated smoking area sa ilalim ng Section 4 of Executive Order 26.

Pinirmahan ni Pangu­long Rodrigo Roa Duterte noong 2017, ang EO 26 ay nagbabawal sa paninigarily­o ng sigarilyo at iba pang tobacco pro-duct sa mga pampubli­kong lugar gaya ng mga paaralan, workplace, pasilidad ng gobyerno, simbahan, ospital, terminal, palengke, parke at mga resort.

Pinapayagan lamang ang paninigarilyo sa mga itinakdang lugar at open spaces na mayroong tamang bentelasyon.

Sinasabi rin sa AO na ang mga establisyimento na nagbebenta pati na sa online at sangkot sa paggawa, distribusyon, importasyon at eksportasyon ng mga produktong END ay kailangan magkaroon ng license to operate mula sa Food and Drug Administration. 

Ang retail din ng nicotine shots at concentrates ay ipinagbabawal na rin at mga container din ng mga ito ay kailangan lagyan ng tamang babala sa kalusugan.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with