^

Police Metro

‘Wag n’yo akong ikudeta! - Duterte

Rudy Andal - Pang-masa
�Wag n�yo akong ikudeta! - Duterte
Sinabi ng Pangulo, kung ayaw na sa kanyang pamumuno ang mga sundalo at pulis ay kausapin lamang siya at handa siyang bumaba sa puwesto.
Simeon Celi Jr./Presidential Photo

Apela sa mga sundalo at pulis...

MANILA, Philippines — “I know that the Armed Forces and the Police will have to decide one day somehow. Do not do it please during my term.”

Ito ang naging apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga opisyal at sundalo ng Air Force na huwag mag-kudeta sa kanyang termino.

Ang kanyang apela ay mensahe niya sa ika-72 taong anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) kamakalawa ng gabi sa Villamor airbase sa Pasay City.

Sinabi ng Pangulo, kung ayaw na sa kanyang pamumuno ang mga sundalo at pulis ay kausapin lamang siya at handa siyang bumaba sa puwesto.

Nagpasalamat muna ang Pangulo sa mga magigiting na sundalo sa pagtatanggol sa bansa at sa Konstitusyon.

Binigyang-diin pa ng Pangulo, kahit walang kudeta ay makukuha ng military at pulis ang poder mula sa kanya pero tiwala siyang hindi gagawin ito sa kanya ng mga sundalo at pulis.

Inanunsiyo din ni Pangulong Duterte na ina­prubahan niya ang kahilingan ng AFP commanders para sa modernisasyon ng Armed Forces.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with