^

Police Metro

DOJ binalaan ang KAPA sa warrantless arrest

Doris Franche-Borja - Pang-masa
DOJ binalaan ang KAPA sa warrantless arrest
Ayon pa sa kalihim na nagsampa ng reklamo ang Securities and Exchange Commission laban sa Kapa dahil sa umano’y paglabag sa batas at kapag nagpatuloy ang mga ito sa kanilang gawain ay hindi na kailangan ang arrest warrant.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga opisyal at miyembro ng Kapa-Community Ministry International na aarestuhin kahit walang warrant kung patuloy pa rin sila na nagbebenta ng investments kahit walang lisensiya.

A warrantless arrest is valid if it involves a “continuing crime” and offering and selling investments without a license is the “crux of the crime,” wika ni Guevarra sa mga reporter.

Ayon pa sa kalihim na nagsampa ng reklamo ang Securities and Exchange Commission laban sa Kapa dahil sa umano’y paglabag sa batas at kapag nagpatuloy ang mga ito sa kanilang gawain ay hindi na kailangan ang arrest warrant.

Noong Hunyo 18 ay nagsampa ang SEC criminal complaint sa Department of Justice laban sa 8 nilang opisyal at miyembro dahil sa paglabag ng Kapa sa Securities Regulation Code matapos mapatunayan na ang nasabing organisasyon ay kasali sa Ponzi scheme.

Sinabi ng SEC na hinihikayat ng Kapa ang publiko na mag-”donate” ng P10,000 sa pangako na tutubo ito ng 30 percent kada buwan na tinatawag nilang “blessing” o “love gift”.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ng SEC ay si founder at president Pastor Joel Apolinario, trustee Margie Danao at corporate secretary Reyna Apolinario, kasama din sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.

vuukle comment

KAPA-COMMUNITY MINISTRY INTERNATIONAL

MENARDO GUEVARRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with