^

Police Metro

Outgoing Pasig mayor nag-iwan ng malaking pondo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-iwan ng malaking pondo si outgoing Pasig City Mayor Bobby Eusebio upang may magamit agad ang bagong alkalde ng lungsod.

Ayon kay Eusebio na nitong ikatlong linggo pa lamang ng Hunyo, ang Pasig ay may kabuuang P14.5-bilyong cash sa General Fund at dagdag na P1.7-bilyon pa na nasa ilalim ng Special Education Fund o may kabuuang  P16.2-bilyong cash-on-hand  para pondohan ang  operational requirements ng lungsod.

Ang nalikom na P150-milyong kita ay mula  nang pangasiwaan ni Eusebio ang Pasig at  maging lungsod ang Pasig noong 1994 na kung saan tumaas ang pondo ng P12-bilyon noong 2018.

Ayon pa kay Eusebio  na sa mga nagdaang taon, ang revenue collection  ng lungsod ay tumaas ng mula P200-milyon sa P500-milyon kada taon.

Sa ilalim ng Eusebio administration ang Pasig ay kinilalang ikatlo sa may pinakamataas na asset  na P33-bilyon  sa Metro Manila bukod sa Makati at Quezon City.

Nais din umanong pamarisan ng ibang lokalidad ang Pasig dahil isa ito sa may pinakamalinis ang liquidation, walang utang at anumang liabilities.

Lumaki ang kumpiyansa ng mga investor sa Pasig na may 27,890 business establishments na patuloy pang dumarami ang bilang.

Ngayong 2019, ang city’s Business Permit and License Office na ang  revenue target na P3.8-bilyon ay nalampasan na at ngayoy hindi pa natatapos ang taon ay nakakolekta na ng  P4.4-bilyon, as of April 2019.

Bunga ng mahusay na pamamahala sa Pasig, kinilala ng  Department of Finance’s Bureau of Local Government Finance ang Pasig City bilang isa sa top five sa local revenue generation—ikalawa sa fees, charges at receipts mula sa economic enterprise, ikatlo sa  local business taxes, at pang apat sa real property tax collection.

vuukle comment

PASIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with