3 drug pusher patay sa buy-bust
MANILA, Philippines — Tatlong drug pusher ang napatay ng mga otoridad nang manlaban umano sa buy-bust operation sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Ang mga napatay ay kinilalang sina Elvis Encarnacion, ng Barangay Sta. Arcadia; Michael Pasumala, ng Purok 6, Barangay San Josef Norte, kapwa ng lungsod ng Cabanatuan; at Joselito Gonzales, alyas “Dags”, ng Zone 3, Barangay Caanawan, San Jose City.
Batay sa ulat, bandang alas-9:15 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation, subalit nang aarestuhin na si Gonzales ay nanlaban ito kaya’t pinutukan at napatay ng mga otoridad.
Bandang alas-2:30 ng madaling-araw ay napatay din sa buy-bust operation sa Don Encarnacion St., Barangay Zulueta, Cabanatuan City si Pasumala at alas-3:00 ng madaling araw ay napatay naman si Encarnacion sa Barangay Balante, Gapan City.
- Latest