^

Police Metro

Misis na pulis, nagbaril

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa

Pinagselosan ang kasamahang pulis ng mister...

MANILA, Philippines — Idineklarang dead- on-arrival sa ospital ang isang babaeng pulis ma­tapos umanong mag-suicide sa pamamagitan nang pagbaril sa kanyang ulo nang magkaroon sila ng pagtatalo ng mister na isa ring pulis kahapon ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Stateland Hills Subd., Brgy. Manggahan, Gen. Trias City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si P/Staff Sergeant Analyn Cruto Rico, 33, nakadestino sa Regional Health Service 4A (Calabarzon).

Sa ulat ni Cavite Pro­vincial Police Office (PPO) Director Police Colonel William Segun, dakong alas-7:45 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa mister ng biktima na si Patrolman Ricky Rico, 26, nakadestino sa Maritime Group Stationed 3rd Special Operation Unit sa Parañaque City hinggil sa umanoy nagbaril sa sarili ang kanyang misis.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago umano nagbaril sa sarili ang biktima ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Ricky at biktima sa isyu ng selos.

Ayon kay Ricky, pi­nagseselosan umano ng kaniyang misis ang isa niyang kaklaseng babae na isa ring pulis na malapit sa kaniya at kasama rin niya sa opisina.

Ang nasabing babaeng pulis na pinagseselosan umano ng biktima ay tumutulong kay Ricky na lakarin ang kaniyang promosyon.

Sa gitna nang pagtatalo ay umalis si Ricky dahil sa bibiyahe pa siya ng malayo para mag-report sa trabaho at pagkalabas ng bahay ay umalingaw-ngaw ang isang putok ng baril kaya’t bumalik ito at pinuntahan ang kuwarto at nakitang duguang na-kabulagta ang misis.

 Nagawa pang maisugod sa General Trias City Doctors Hospital ang biktima pero binawian ito ng buhay bandang alas-8:01 ng umaga.

Iniimbestigahan ng mga otoridad kung may naganap na foul play at isasailalim si Ricky sa parraffin test at ballistic examination ng kanyang baril.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with