38 katao positive sa HIV kada araw
MANILA, Philippines — Nasa 38 katao ang nagpopositibo sa Human Immunodeficiency Virus Acquired Immunodeficiency Syndrome HIV-AIDS araw-araw.
Ito ang inihayag ni Department of Health Spokesman Undersecretary na si Eric Domingo at isang nakababahala dahil pabata nang pabata ang nagkakaroon ng HIV AIDS.Taong 2018 noong naitala ang 32 HIV positive kada araw.
Ang numerong sanhi ng HIV-AIDS ay ang pakikipagtalik sa mga taong kontaminado ng HIV-AIDS.
Halos dumoble ang bilang ng mga taong may AIDS sa nakalipas na isang dekada kaya’t hinikayat naman ng health department na kaagad magpakonsulta kapag kinakitaan ng sintomas dahil libre naman ang gamutan ng AIDS.
- Latest