^

Police Metro

Tiyo dinedo ng pamangkin

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 54-anyos na la­laki ang nasawi matapos na siya ay saksakin ng ice pick ng kanyang 17-anyos na pamangkin kamakalawa ng hapon sa Brgy Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Fernando Villan, may-asawa driver at residente ng Nazareth Compound Brgy. Molino 3 ng lungsod.

Sumuko naman sa mga opisyal ng barangay ang suspek na itinago sa pa­ngalang Jericho.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang alas-5:30 ng hapon sa loob ng kanilang bahay ay kinakausap ng biktima ang kanyang pamangkin hinggil sa problemang kinakaharap ng kanilang pamilya.

Nang pabalang na su­magot ang suspek na ikinagalit ng tiyuhin at nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng ice pick ang una at inundayan ng saksak ang huli sa sikmura.

Mabilis na dinala ito sa ospital, subalit namatay din ito sa daan.

vuukle comment

FERNANDO VILLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with