^

Police Metro

Maraming Pinoy ang hindi na mahirap-SWS

Rudy Andal - Pang-masa
Maraming Pinoy ang hindi na mahirap-SWS
Sa naturang survey ng SWS, bumaba ang self rated poverty ng 38 porsiyento na maitutu-ring na isang record low at lubhang mas mababa kung ikukumpara sa mga nakaraang taon.
File

MANILA, Philippines — Mas maraming mga Pinoy ang naniniwalang hindi na sila mahirap batay sa March 2019 survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa naturang survey ng SWS, bumaba ang self rated poverty ng 38 porsiyento na maitutu-ring na isang record low at lubhang mas mababa kung ikukumpara sa mga nakaraang taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na natutuwa ang Malacañang sa nasabing survey na bunga ng pagsisikap ng economic managers ng Duterte administration ganundin ng Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster na patuloy na gumagawa ng hakbang na may kaugnayan sa poverty reduction.

Idinagdag pa ni Pa­nelo na sa kabila ng mga mapanirang political propaganda ng mga kritiko ng Pangulong Duterte ay nakakatuwang maganda ang ibinubunga ng pagsisikap ng gobyerno para mas lalo pang mapababa ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap.

Desidido ang admi-nistrasyon na maabot nito ang target na maibaba ang antas ng kahirapan sa 14 percent sa 2022 mula sa 21.6% nuong 2015.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with