^

Police Metro

Velasco hiniling na magparaya sa Speakership race

Rudy Andal - Pang-masa
Velasco hiniling na magparaya sa Speakership race
Ayon kay Rye na hindi umano sapat ang kakayahan ni Velasco na two termer congressman sa lalawigan ng Marinduque kumpara sa ibang mga kandidato kaya makabubuti na magparaya na lamang ito sa mga senior at seasoned politicians na taglay ang kuwalipikasyon para maging magaling na lider ng Kamara.

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng political analyst na si Ranjit Rye na magbigay daan na lang si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Speakership dahil sa hindi pang on-the-job training ang pagiging House Speaker.

Ayon kay Rye na hindi umano sapat ang kakayahan ni Velasco na two termer congressman sa lalawigan ng Marinduque kumpara sa ibang mga kandidato kaya makabubuti na magparaya na lamang ito sa mga senior at seasoned politicians na taglay ang kuwalipikasyon para maging magaling na lider ng Kamara.

Anya, dapat na munang maging “watch, listen and learn” muna ito sa Kamara at hindi pa targetin ang posisyon bilang House Speaker.

Aminado si Rye na ang isa sa dahilan ng paglutang ng pangalan ni Velasco na maging House Speaker ay bunsod lamang ng pagkakaroon ng backer na isang malaking negosyante.

Samantala, inihayag ni Senator-elect Bong Go na humiling si Pangulong Duterte na bigyan siya hanggang June 28 upang makapili ng susuportahan sa pagiging Speaker ng Kamara.

Ito umano ang naging kahilingan ng Pangulo sa mga bago at re-elected na kongresista na dumalo sa handog na dinner ni Pa-ngulong Duterte kamakalawa ng gabi sa Malago clubhouse sa Malacañang park.

vuukle comment

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with