^

Police Metro

Ex-spokesman ng Bayan Muna, itinumba

Jorge Hallare - Pang-masa
Ex-spokesman ng Bayan Muna, itinumba
Ang nakabulagtang bangkay ng biktimang si Neptali Ramos Morada, dating spokesman ng Bayan Muna-Camarines Sur matapos na pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng pick-up.

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang lalaki na umano ay dating tagapagsalita ng Bayan Muna-Camarines Sur Chapter matapos na ito ay pagbabarilin habang lulan ng kanyang motorsiklo sa highway ng Zone 4, Brgy. San Isidro, Naga City, Camarines Sur.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Neptali Ramos Morada, 40, residente ng Zone 2, Brgy. Carolina ng nasabing lungsod.

Hindi pa kilala ang gunman na sakay ng isang puting pick-up truck na agad tumakas nang masi­gurong napatay ang biktima.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa Brgy. Cararayan at binabagtas ang nasabing highway nang tabihan ng nasabing sasakyan na kung saan ay pinagbabaril ang biktima.

Agad tumakas ang suspek makaraang masigurong patay na ang biktima.

Anim na basyo ng M16 rifle ang nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen.

Nabatid na dating ta­gapagsalita ng Bayan Muna si Morada sa Camarines Sur mula taong 2000, ayon sa coordinator ng grupo na si Nelsy Rodriguez.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

vuukle comment

BAYAN MUNA-CAMARINES SUR CHAPTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with