^

Police Metro

Kagawad dedo, 3 sugatan sa ambush

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang kagawad ng barangay na isa ring band member habang sugatan ang dalawa niyang kasamahan sa banda at ang driver ng trike na kanilang sinakyan nang ambusin ng armadong riding-in-tandem habang papauwi sa kanilang tahanan matapos ang kanilang gig sa isang resto bar naganap sa Brgy. San Miguel, Pasig City, kahapon ng mada­ling araw.

Ang nasawi ay si Bobby Nazareth, 43, konsehal ng Brgy. Sagad, ng naturang lungsod, at residente ng 5 E. Angeles St., Brgy. Sagad.

Sugatan naman ang dalawang kasamahan sa banda na sina Ramon Balbastro Jr., 61, at Anthony Salazar, 43, pawang taga-Marikina City; gayundin ang driver ng tricycle na kanilang sinakyan na si Larry Anto, 46, ng Brgy. Kapasigan, Pasig City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa Mercdes Ave., sa Brgy. San Miguel.

Nabatid na papauwi na ang tatlo sakay ng trike ni Anto, nang pagsapit sa naturang lugar ay dito na sumulpot ang mga salarin at walang patumanggang pinaulanan sila ng bala saka tumakas sa ‘di nabatid na direksyon.

Agad namang naisugod ng rumespondeng rescue team ang mga biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival si Nazareth.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang krimen.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with