2 kelot kisay sa kuryente
MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang nasawi matapos makuryente sa magkahiwalay na insidente sa bayan ng Matalam, North Cotabato, nitong Biyernes.
Sa Brgy. Manubuan, dakong ala-1:20 ng hapon nang aksidenteng masagi sa kawad ng kuryente ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) habang nag-ooperate ng boom truck ang biktimang si Christopher Baro, 36-anyos. Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Nasawi rin si Jordan Razon Dilaso, 35-years old, residente ng Purok Bromiliad, Brgy. Poblacion, nang dakong alas-3:00 ng hapon habang nagbi-videoke ay nailagay nito ang mikropono sa kanyang dibdib nang lingid sa kaalaman ay sira ito dahilan upang pumasok sa kanyang katawan ang mataas na boltahe dahilan upang mangisay. Hindi rin umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima.
- Latest