^

Police Metro

Mister tigok sa hataw ng pala ng kaibigan

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na nasawi ang 53-anyos na si Fortunato Quilloy nang hatawin sa ulo ng pala at saksakin pa ng itak ng kanyang kaibigan nang magtalo habang papunta sa isang tindahan upang bumili ng alak na kanilang lalaklakin naganap sa Brgy. Gubat sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Arestado naman ang suspek na si Jonathan Pesico, 36-anyos, binata, matapos isuko sa mga otoridad ng kanyang ama na si Norberto Pesico.

Sa ulat dakong alas-3:30 ng hapon nagkasundo ang dalawa na mag-inuman kaya magkasamang naglakad sa gitna ng niyugan para bumili ng alak sa tindahan.

Gayunman, habang naglalakad ay biglang nagtalo ang dalawa sa hindi malamang dahilan at nakakita umano ang suspek ng pala sa ilalim ng isang puno ng niyog na kinuha ito at biglang inihataw sa ulo ng biktima.

Sa lakas nang pagkakahampas nawalan ng malay ang biktima na agad bumagsak.

Nang tila hindi pa nakuntento ang suspek ay kumuha pa ito ng itak at saka itinarak sa likuran ng biktima na tumagos sa kaliwang dibdib na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Tumakas ang suspek pero isinuko siya ng kanyang tatay na si Norberto Pesico sa mga pulis.

vuukle comment

FORTUNATO QUILLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with