^

Police Metro

Trike tinumbok ng bus: 2 tepok, 1 kritikal

Raymund Catindig - Pang-masa
Trike tinumbok ng bus: 2 tepok, 1 kritikal

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang pasahero ng isang tricycle habang agaw-buhay sa pagamutan ang isa matapos tumbukin ng isang humahagibis na pampasaherong bus sa highway ng Brgy. Guibang, Gamu, Isabela kahapon.

Sa report ng pulisya, nagtangkang mag-overtake sa isa pang sasakyan ang drayber ng GV Florida Bus patungong Maynila sa kurbadang bahagi ng highway nang salpukin nito ang traysikel na minamaneho ni Eric Bagauisan dakong alas 10:30  ng umaga.

Nasawi noon din si Bagauisan at pasahero nitong si Jhong Madayag habang kritikal na isinugod sa hospital ang isa pang pasahero na si Renato Gallato.

Isinailalim naman sa kustodiya ng mga otoridad ang bus driver na si Rohmar Agcaoili at inihahanda na ang kasong kriminal laban sa kanya.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with