^

Police Metro

Kampo ni VP Leni nanawagan sa pet na ideklara nang panalo vs Marcos

Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos mapatunayan sa resulta ng initial recount sa tatlong probinsiyang pinili ni Bongbong Marcos na lamang sa boto si Vice President Leni Robredo ay mu­ling nanawagan ang kampo nito sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na maresolba na sa lalong madaling panahon ang electoral protest.

Kahapon ay naghain ang abogado ni VP Leni na si Atty. Romulo Macalintal ng isang urgent motion, kung saan nanawagan sila sa PET na agad nang maresolba lahat ng mga nakabinbin na usapin tungkol sa recount na natapos noong Marso.

Dapat maglabas na aniya ng resolusyon tungkol sa muling pagbilang ng mga balota sa Camarines Sur, Negros Oriental at Iloilo na nagpapatibay sa pagkapanalo ni Robredo noong 2016.

Sa kabila ng paggamit ng 50-percent threshold sa naunang bahagi ng proseso, lumabas sa recount na matunog pa rin ang lamang ni Robredo sa tatlong probinsya, kung saan siya nakakuha ng 1,536,030 na boto laban kay Marcos na nakakuha ng botong 200,467.

Sa kabuuan, nagtala si VP Leni ng 14,438,750 na boto, kung saan ang lamang niya ay umabot na sa 279,215 na boto, mas mataas pa sa winning margin niya noong ipinroklama noong 2016.

Idiniin ng kampo ni VP Leni na sa kabila ng maigting na pagtatangka ng kampo ni Marcos na lokohin umano ang publiko, lalo sa social media, tungkol sa nangyayari sa electoral protest, ang resulta ng recount ang nagpapakita na “game over” na para kay Marcos, dahil hindi siya nakakuha ng kinakailangang “substantial recovery” sa mga probinsyang siya mismo ang pumili.

Idinagdag pa ni Macalintal na ang mosyon na kanilang inihain ay upang pasinungalingan ang paulit-ulit na pag-aakusa ng kampo ni Marcos at ng kanilang mga taga-suporta na si Robredo ang nagde-delay ng proseso.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with