^

Police Metro

9 patay sa aksidente sa Davao City

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang trailer truck wing van ang nawalan umano ng preno at sinuyod ang 10 sasakyan na ikinasawi ng 9 katao na naganap kahapon ng umaga sa Guadalupe Km5, Matina Pangi, Davao City.

Kinilala ang driver ng trailer truck wing van (LXB-302) na si Joel Si­nampay Aras, 36, ng Cagayan De Oro City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Davao City-PNP Traffic Section bago nangyari ang aksidente dakong alas-9:30 ng umaga ay mabilis na minamaneho ni Aras ang kanyang trailer truck wing van na may kargang mga sako ng bigas ang kahabaan ng CP Garcia Highway nang mawalan ito ng preno at inararo ang 10 sasakyan na kinabibilangan ng Toyota High Ace Van (BCN-661); KIA Sportage (KEP-343); Honda CRV (LGE-978); Mitsubishi L300 (AAG 4913); tricycle (5013LV); Toyota Avanza (ZSE-506); Suzuki AVP (PPI-830); multicab (JFG-233); at dalawang iba pa na sasak­yan na kung saan nasalpok ang 9 katao kabilang ang mag-ina na nag-aabang sa bangketa.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng siyam na nasawi na kinabibilangan ng 6 na lalaki, 2 babae, at 2-an­yos na natabunan ng mga sako ng bigas mula sa trailer truck wing van.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, serious­ physical injuries and da­mage to property.

vuukle comment

TRUCK WING VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with