Duterte sinorpresa ang NAIA
MANILA, Philippines — Dahil sa mga natatanggap na reklamo tungkol sa delayed at cancelled flights ng mga eroplano ay nagsagawa ng surprise inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 kahapon ng madaling araw.
Nangako naman ang Pangulo sa mga pasahero na reresolbahin kaagad sa loob ng buwang ito ang naging aberya sa NAIA.
Nabatid na pitong flight na papuntang Manila ang lumapag sa Clark International Airport habang 54 flights ang delay dahil sa masamang panahon kahapon.
Kasama ng Pangulo sa surprise inspection kahapon ng madaling araw ay sina Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Captain Jim Sydiongco at Davao businessman Sammy Uy.
- Latest