^

Police Metro

Road tragedy:14 todas

Jorge Hallare, Gemma Garcia - Pang-masa
Road tragedy:14 todas
Sa imbestigasyon ng pulisya bago nangyari ang aksidente dakong alas-5:20 ng hapon ay sakay ang mga biktima na pawang magkakamag-anak ng Foton truck (GC-2316) na pag-aari ng local government ng San Fernando at pauwi na sa Brgy. San Joaquin mula sa ginawang pamamanhikan.

Mga biktima galing sa pamamanhikan...

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pamamanhikan ng mga magkakamag-anak matapos na masawi ang 14 na katao kabilang ang 16-anyos na dalagita na nakatakdang ikasal matapos ang sinasakyan nilang trak ay nawalan ng preno at bumaliktad habang palusong sa municipal road ng Brgy. Tagpocol, San Fernando, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot sina Ailene Mirasol Pelaez, 48; Ramona Pelaez, 53; Sherwin Mendosa,18; Pedro Pelaez; Erwin Mendosa at Victoria Delos Reyes, 35, pawang residente ng Brgy. Magsayo at Brgy. Grijalvo. Habang idineklarang dead-on-arrival sina Minda Sesiñano; Ramil Serrano; Marvin Chavez; Monalie Tariman; Mark Pelaez; Edcel Regodon; Agnes Farol at Bea Lucilo, 16, ng Brgy. Ngaran na nakatakdang ikasal.

Nasugatan ang 37 iba pa na dinala sa Bicol Medical Center sa Naga City.

Sa imbestigasyon ng pulisya bago nangyari ang aksidente dakong alas-5:20 ng hapon ay sakay ang mga biktima na pawang magkakamag-anak ng Foton truck (GC-2316) na pag-aari ng local government ng San Fernando at pauwi na sa Brgy. San Joaquin mula sa ginawang pamamanhikan.

Habang bumabagtas ang truck na minamaneho ni Mario Jacobo sa  nasabing lugar nang ito ay mawalan ng preno at gumewang sa palusong na bahagi at rumampa sa shoulder ng kalsada saka bumaliktad ng ilang beses pababa.

Tumilapon ang mga sakay ng trak na kung saan dumagan ito sa anim na biktima na agad nilang ikinasawi.

Nakaligtas naman ang mapapangasawa ni Bea na hindi pinangalanan nang ito ay magpaiwan makaraang hindi na magkasya dahil siksikan na ang trak.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with